VP Robredo, isinisisi ang lokal na pulitika sa CamSur sa mga maling hula sa kanyang plano sa 2022

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na ang lokal na pulitika sa Camarines Sur at personal agenda ng ilang pulitika ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga maling hula sa kanyang mga plano sa susunod na taon.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na wala pa siyang desisyon kung tatakbo siya sa pagkapangulo o hindi sa May 2022 elections.

Sinabi ni Robredo na maraming kumakalat na espekulasyon na tatakbo siya sa pagkapangulo dahil hindi siya maaaring tumakbo sa pagkagobernador sa Camarines Sur habang ang iba ay nagsasabing tatakbo siya sa pagkagobernador sa susunod na taon.


Iginiit ni Robredo na ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanyang magiging plano sa susunod na taon ay manggagaling sa kanya at hindi sa ibang tao.

Nakakalungkot aniya dahil patuloy na pinoproblema ang pagtaas ng COVID-19 sa Camarines Sur at dapat itong pagtuunan ng mga local potiliticians doon.

Matatandaang inihayag ni dating congressman Rolando Andaya Jr. na tatakbo si Robredo bilang governor sa susunod na taon dahil lumipat siya ng residency sa Magarao, ang bayan na malapit sa Naga City.

Pero bilang botante ng Naga City, hindi pwedeng tumakbo si Robredo sa pagkagobernador dahil ang Naga ay isang independent component city, ibig sabihin ang mga residente at botante ay hindi maaaring bumoto at tumakbo sa lokal na pulitika.

Ito ang sinabi ni Camarines Sur 2nd District Representative Luis Raymund Villafuerte kaya sigurado siyang tatakbo sa pagkapresidente si Robredo.

Facebook Comments