VP Robredo, isinisisi sa ilang mambabatas ang pagkawala ng trabaho ng maraming empleyado ng ABS-CBN

Ikinalungkot ni Vice President Leni Robredo na maraming manggagawa ng ABS-CBN ang nawalan ng trabaho matapos hindi ma-renew ang kanilang prangkisa.

Ayon kay Robredo, hindi inisip ng mga mambabatas na bumoto kontra sa franchise extension ng ABS-CBN ang negatibong epekto nito lalo na sa mga manggagawa at sa mga manonood sa mga malalayong lugar na nakadepende lamang sa kanilang balita at mga programa.

Binanggit din ni Robredo na ilan sa kaniyang mga kababayan sa Bicol ang apektado rin ng shutdown ng giant media network.


Nabatid na September 1 ang unang araw ng shutdown ng 12 local news programs ng network maging ang iba pang business at services nito kasunod ng kabiguang maipasa ang prangkisa.

Itinigil na rin ng ABS-CBN ang radio at broadcast operations na nakaapekto sa 4,000 manggagawa.

Facebook Comments