Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga netizens na i-report ang post na ginawa ng isang Twitter user na nagpakalat ng fake news laban sa kanya.
Ang account na @talkiooo ay nag-post ng litrato ng Bise Presidente na naglalakad sa abot-tuhod na baha kasama ang ilang tao.
May kasama itong caption na binabatikos si Robredo: “Yung mga bantay mo sana tumulong na lang sa rescue. Kakahiya naman sa‘yo.”
Ayon kay Robredo, kuha ang litrato noong 2018 nang bumisita siya sa Bayan ng Agutaya, Palawan para iturn-over ang solar units sa mga komunidad na walang kuryente.
Kaugnay nito, itinanggi rin ni Robredo na nagpadala siya ng media sa kanyang pagbisita sa evacuation centers para maghatid ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.
Taliwas sa mga sinasabi ng kanyang mga kritiko at online trolls, walang media ang present sa kanyang pagbilis sa evacuation sites.
Iginiit ni Robredo, anim lang sila ng kaniyang team ang nag-iikot sa mga apektadong komunidad sa Marikina at Rizal.
Ang kanyang mga staff ang nagdodokumento ng kanilang mga aktibidad sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato at video.