Nanindigan si Vice President Leni Robredo na kailanman ay hindi niya sinisisi ang healthcare workers para sa COVID-19 situation sa bansa.
Ito ang pahayag ng Bise Presidente matapos siyang pakiusapan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itigil ang pagpuna sa trabaho ng medical frontliners.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na maituturing ng propaganda ang tila pagbabaligtad ng Malacañang ang kanyang mga pahayag.
“Yung pag-respond sa aking puna eh propaganda pa rin. Isipin mo, parang pinapalabas nila bini-blame ko raw ang ating health workers. Baliktad yun. Hindi po natin pinupuna yung health workers dahil ang problema natin hindi sila– ang problema natin yung response natin,” ani Robredo.
Kailangang mag-step up ang gobyerno dahil mas lalo lamang nilang pinahihirapan ang mga healthcare workers.
“Yung health workers po natin ay mahuhusay, sila yung grabe na ‘yung sakripisyo. ‘Yung opisina namin grabe na ‘yung suporta sa kanila,” dagdag ni Robredo.
Dapat aniyang buksan ng pamahalaan ang mga mata nito at maghanap ng solusyon sa problema.