VP Robredo, kailangan ng malawak na kaalaman sa war on drugs

Iginiit ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na kailangang magkaroon ng malawak na kaalaman sa kamapanya kontra ilegal na droga si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay PACC Chairperson Dante Jimenez, nasa proseso pa lamang si Robredo ng pag-aaral sa lawak at lalim ng problema ng bansa sa ilegal na droga.

Giit ni Jimenez, ang kailangan sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs ay ang taong makakapagbigay ng panukala sa kung paano matutunton ang pinanggagalingan ng ilegal na droga at kung paano mahuhuli ang mga ito.


Sa ngayon, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang PACC ukol dito.

Facebook Comments