VP Robredo, kibit-balikat lamang sa mga bagong tirada ng Pangulo

Magpapatuloy si Vice President Leni Robredo sa pagpapatupad ng kanyang mga programa para mapagsilbihan ang taumbayan.

Ito ang pahayag ng kampo ng Bise Presidente sa harap ng mga patusada ng Administrasyong Duterte.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, puro paninisi ang ginagawa ng administrasyon.


Mas maraming oras aniya ang administrasyon na banatan ang Bise Presidente sa halip na respondehan ang mga totoong problema ng bansa.

“Kulelat tayo sa pagkuha ng bakuna? Awayin si Leni Robredo. Mabagal ang pagtugon sa bagyo at baha? Siraan si Leni Robredo. Milyon-milyon ang nawalan ng trabaho? Insultuhin si Leni Robredo,” ani Gutierrez.

Duda si Gutierrez sa sinasabi ng Malacañang na hindi nila pinupulitika si Robredo.

Matatandaang pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo na manahimik na lamang kung hihikayatin lamang niya ang publiko na huwag magpabakuna.

Facebook Comments