VP Robredo, kinilala ang kabayanihan ni dating Sen. Ninoy Aquino

Kinilala ni Vice President Leni Robredo ang kabayanihan ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. kasabay ng kaniyang ika-38 taong anibersaryo ng pagkamatay.

Ayon kay Robredo, nagpupugay sila sa pinamalas na tapang at pagmamahal sa bayan ng dating senador na piniling talikuran ang sariling kaginhawaan para ialay ang buhay sa bayan.

Aniya, umaasa siyang manatiling buhay ang mga naging sakripisyo nito sa pagharap ng bansa sa hamon ng pandemya.


Giit pa ni Robredo, namatay, nabuhay at lumaban sina Ninoy, dating Pangulong Cory at Noynoy Aquino III dahil sa iisang adhikain na matamasa ang kaunlaran, isang lipunang patas at makatao.

Facebook Comments