Manila, Philippines – Kinondena ni Vice President Leni Robredo ang pagpaslang kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.
Nanawagan ang Bise Presidente na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang dating colleague sa 16th Congress.
Ayon kay Robredo – ikinalulungkot niya ang biglang pagkawala ni Batocabe.
Kinilala niya si Batocabe bilang isang matalino, mahusay at masayahing tao.
Tila aniya nagiging ‘bagong normal’ ito kung saan bata man o matanda, mayaman o mahirap ay pinapatay na lamang.
Nagpaabot din ng pakikiramay si Robredo sa pamilya at kaanak ng mambabatas.
Facebook Comments