VP Robredo, maaaring magbigay ng solusyon hinggil sa problema sa locally stranded individuals

Nanawagan ang Malacañang kay Vice President Leni Robredo na magbigay ng mga solusyon sa pagpapauwi ng locally stranded individuals sa halip na punahin ang pamahalaan hinggil dito.

Nabatid na kinuwestyon ni Robredo ang mahinang aksyon ng pamahalaan sa pagpapauwi ng mga indibiduwal na na-stranded sa Metro Manila sa gitna ng COVID-19 pandemic kasunod ng pagkakamatay ni Michelle Silvertino, na naghintay ng limang araw ng masasakyan sa isang footbridge sa Pasay City para makauwi sa kanilang probinsya sa Bicol.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat sana ay nagbigay na lamang ng solusyon ang Bise Presidente hinggil dito.


Iginiit din ni Roque na ang mga indibidwal ay kailangang sumailalim sa COVID testing bago payagang makauwi.

Hinihikayat din ang mga Local Government Units (LGU) na magsagawa muli ng test kapag dumating ang mga stranded individuals sa kanilang hurisdiksyon.

Sakaling magpositibo ang isang returning resident, ilalagay ang mga ito sa isang isolation facility para mabigyan ng medical treatment.

Hinimok din ni Roque ang mga stranded sa National Capital Region (NCR) na makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) o lokal na pamahalaan para sila ay matulungan.

Facebook Comments