VP Robredo, may hirit din sa PET hinggil sa timeline sa kanilang pagkomento sa resulta ng recount sa BBM election protest

Matapos ang inihaing mosyon ni dating Senador Bongbong Marcos na humihiling na ipagpaliban muna ang itinakdang 20 araw para sa kanilang pagkomento sa  inilabas ng resulta ng recount sa 3 pilot provinces nitong October 15,2019, humirit din sa Presidential Electoral Tribunal ang kampo ni Vice President Leni Robredo.

 

Hiniling ng kampo ni Robredo na mabigyan din sila ng kaparehas na  panahon at pagkakataon na ma-pag-aralan ang resolusyon.

 

Sa 10 pahinang urgent motion, iginiit ni Robredo na hindi sapat ang binigay ng PET na dalawampung araw para sa paghahain nila ng komento.


 

Ayon sa kampo ni Robredo, pitong araw na ang nakakalipas mula naman sa 20 working days, ang nasayang nang hindi nila nakikita ang kabuuan ng annexes sa resulta ng recount.

 

Bukod dito, hinahantay pa din nila ang tugon ng Korte Suprema sa kanilang inihaing urgent motion para payagang makakuha ng soft copies ng mga annexes sa inilabas na resolusyon ng PET noong October 15.

Facebook Comments