Muling naghayag ng pagkadismaya si Vice President Leni Robredo sa mga kasinungalingan ni PDEA Chief Aaron Aquino.
Ito’y matapos itanggi ni Aquino na nakiusap siya kay Robredo na manatili bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na narinig ng buong PDEA Board ang pakikiusap ni Aquino sa kanya.
Nakakadismaya aniya dahil sinanay si Aquino bilang mabuting ehemplo.
Una nang sinabi ni Robredo na ilalabas niya ang ulat patungkol sa War on Drugs bago magtapos ang taon o sa Enero.
Facebook Comments