VP Robredo, naaalarma sa mataas na bilang ng mga ‘nawawalang’ COVID-19 vaccines

Pinatitiyak ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na ang mga nabakunahan ng first dose ng COVID-19 vaccines ay makakatanggap din ng second dose nito.

Matatandaang inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa 113,000 inidibiduwal ang naantalang mabigyan ng second dose ng COVID-19 vaccines.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na kailangang tulungan ng pamahalaan ang mga tao na makapunta sa vaccination sites para masigurong matatanggap din nila ang second dose.


“Nakakatakot pa din, Ka Ely. Kahit sabihin pa natin 113,000 yan, ano pa din malaki pa din. And naghahabol tayo ng numbers, naghahabol tayo ng iyong supplies hindi mag-expire so dapat iyong sistema talaga para masiguro na babalik iyong mga tao siguruhin,” sabi ni Robredo.

Bagamat inamin ng gobyerno na wala sa kanilang kontrol ang pagdating ng vaccine supply dahil sa mataas na demand nito sa buong mundo, iginiit ni Robredo na dapat may nakalatag na sistema kapag dumating na ang mga bakuna sa Pilipinas.

Dapat ayusin ng pamahalaan ang logistical processes o kung paano ipinapamahagi ang mga bakuna sa iba’t ibang local government units (LGUs).

Facebook Comments