VP Robredo, nag-aalangang tumayo bilang pangulo sakaling magkaroon ng revolutionary gov’t

Aminado si Vice President Leni Robredo na may alinlangan siya kahit handa niyang saluhin ang pagkapangulo sakaling magdeklara ng revolutionary government si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na inulan ng batikos si Robredo dahil sa tila pagiging desperado nitong palitan na Pangulo.

Sa programang Biserbisyon Leni ng RMN Manila, binigyang diin ni Robredo na sinasagot lamang niya ang mga katanungan tungkol sa kanyang kahandaan na humalili kay Pangulong Duterte.


Sinagot din ni Robredo ang mga komentong ikinukumpara si Pangulong Duterte sa revolutionary government declaration ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Muli ring nagpaalala si Robredo sa mga opisyal ng gobyerno na maging maingat sa mga binibitawang salita o hakbang.

Facebook Comments