VP Robredo, nag-quarantine matapos ma-expose sa COVID positive patient

73

Sumailalim sa quarantine si Vice President Leni Robredo matapos na may makasalamuhang COVID-19 positive noong nakaraang linggo.

Pero aniya, balik-opisina na rin siya bukas matapos na magnegatibo sa RT-PCR test.


“Na-expose ako, Ka Ely, actually last week sa COVID positive patient pero nag-RT-PCR na ako at buti naman negative tayo, so bukas balik na tayo sa opisina,” ani Robredo sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila.

“Maswerte pa rin ako na kahit na-e-expose, nagne-negative naman at yung opisina istrikto pa rin sa quarantine protocols.”

Nito lang ding Abril nang sumailalim sa quarantine ang pangalawang pangulo matapos na ma-expose sa kanyang bodyguard na tinamaan ng virus.

Facebook Comments