VP Robredo, nagbigay ng tulong sa mga transport group na apektado ng pandemya

Photo Courtesy: Vice President Leni Robredo | Facebook

Nagsagawa ng consultation meeting si Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang lider ng transport groups at nag-alok ng tulong sa mga miyembro na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ang transport groups ay mula sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog.

Sa meeting, napag-usapan ang naging epekto ng pandemya lalo na sa buhay ng libu-libong driver na nawalan ng pagkakakitaan bunga ng community quarantine.


Para sila ay makabangon sa krisis, ang Office of the Vice President (OVP) ay magbibigay ng ilang uri ng livelihood assistance sa mga apektadong miyembro ng transport groups.

Hinimok ni Robredo ang mga lider, maging ang mga miyembro ng transport groups, na maghanap ng mga potensyal na trabaho na alok sa Sikap.PH sa ilalim ng “Bayanihanapbuhay” initiative para sa mga driver at sa iba pang manggagawang walang trabaho.

Nabatid na inilunsad ng OVP ang “Bayanihanapbuhay” nitong Setyembre para matulungan ang mga Pilipinong manggagawa na makahanap ng trabaho sa harap ng krisis bunga ng COVID-19.

Nasa 17,000 job listings ang alok sa Sikap.PH.

Facebook Comments