VP Robredo, naglatag ng 5 malinaw at madaling makamit na hakbang kung paano malalagpasan ng gobyerno ang COVID-19 pandemic

Ilang oras bago ang pagharap sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte, nauna nang nagbigay ng public address si Vice President Leni Robredo para maglatag pa ng limang mungkahi upang malagpasan ng bansa ang COVID-19 pandemic.

Ito aniya ay malinaw at organisadong pagkilos.

Mungkahi ni Robredo, dapat bigyan ng karagdagang suporta ang mga Local Government Unit (LGU) at magtakda ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng threshold para sa mga community quarantine.


Kailangan aniya ng specific goals sa mga lugar tulad ng pwedeng i-rank ang mga LGU alinsunod sa kung gaano kalala ang sitwasyon sa kanilang lugar.

Batay aniya sa Department of Health (DOH) data, September 23, 2020, 66 LGUs ang high-risk, habang 485 ay walang naitatalang community transmission.

Giit ng Bise Presidente, sa mga lugar na walang maraming community transmissions, maaari nang magplano kung paano magkaroon ng face-to-face classes.

Dapat din aniyang may mas malawak na tulong sa mga medium scale enterprises na kumakatawan sa 99% ng lahat ng negosyo sa bansa.

Dagdag pa ni Robredo, gumawa ng paraan para maipaabot ang mga grant sa mga maliit na negosyo, na walang access sa bangko.

Panghuli, dapat magsagawa ng malawakang deployment bilang paghahanda kapag na-develop na ang vaccine.

Facebook Comments