VP Robredo, nagpadala ng mga suhestyon sa Malacañang para sa COVID-19 response

Nagpadala si Vice President Leni Robredo sa Malacañang ng mga suhestyon para mapabuti ng Pamahalaan ang pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.

Ito ang tugon ng Bise Presidente matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tanungin siya hinggil sa mga ginagawang hakbang ng Pamahalaan sa pagresponde sa public health crisis.

Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, nakasaad sa sulat niya kay Roque ang ilang isyu tulad ng Locally Stranded Individuals (LSIs), testing program ng Pamahalaan, at “fresh” at “late” classification system ng Department of Health (DOH) sa mga kaso ng COVID-19.


Para kay Robredo, hindi na dapat gamitin ng DOH ang nasabing classification system at sa halip ay magkaroon ng bagong paraan ng pag-uulat ng COVID-19 cases sa bansa.

Inirekomenda rin ni Robredo ang pagbili ng 10 milyong testing kits para sa mga LSI.

Iminungkahi rin ni Robredo ang pagpapatupad ng service contracting kaysa sa boundary system para sa mga jeepney drivers na apektado ng pandemya.

Facebook Comments