VP Robredo, nagpaliwanag hinggil sa pondong ginagamit ng OVP sa mga proyekto nito

Manila, Philippines -Nagpaliwanag si Vice President Leni Robredo kaugnay ng perang ginagamit ng Office of the Vice President (OVP) sa mga ginagawa nitong proyekto.

Kasunod ito ng pagkwestiyon ng ilang kritiko kung saan nanggagaling ang pondong ginagamit niya para makapaglibot sa mga liblib na komunidad sa buong bansa.

Sa programang “Biserbisyong Leni” sa RMN-DZXL558, sinabi ng bise presidente na may pondo namang inilaan ang gobyerno para sa kanyang opisina.


Katunayan aniya, ang OVP ang isa sa mga tanggapan ng pamahalaan na may pinakamaliit na budget.

Gayunman, ayon kay Robredo, ginagawa nila lahat para matugunan ang problema ng mga Pilipinong nasa mahihirap na komunidad kabilang na ang panghihikayat sa mga pribadong organisasyon na tumulong sa kanilang mga proyekto.

Dagdag pa ni Robredo, mahalagang maikot at mapuntahan ang mga malalayong komunidad para personal niyang makita ang pangangailangan ng mga mamamayan nito.
DZXL558

Facebook Comments