VP Robredo, nagpaliwanag sa pagtakbo bilang independent candidate

Sa press briefing sa Office of the Vice President, nilinaw ni Vice President Leni Robredo na hindi siya nagbibitaw bilang chair ng Liberal Party.

Aniya, ang pagdedeklara niya bilang independent candidate ay pagpapakita na bukas sila sa pakikipag-alyansa sa iba pang partido pulitikal.

Magugunita na sunod-sunod ang unity talks ni Robredo sa ibang political party.


Ang pagtakbo niya ay hindi nakabase sa political party kundi sa pagkakaisa ng taumbayan.

Sinabi naman ni Senador Francisco Kiko Pangilinan na nag-adopt ang national executive council ng Liberal Party na nagtatalaga kay Robredo bilang kanilang kandidato sa presidential race.

Sa usapin naman ng kulay kung bakit siya ay naghain ng kandidatura kahapon na mayroong pink ribbon na suot imbes na ang dilawan na kaniyang political color, sabi ni VP Robredo, noon ang dilaw ay isang global color na sumisimbolo sa protesta pero ngayon aniya ay iba na ang ipinaglalaban.

Facebook Comments