VP Robredo, nagpasalamat sa kanyang supporters sa paglulunsad ng Lugaw feeding program

Umabot sa higit 30,000 mangkok ng lugaw ang naipaabot ng mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo kasabay ng kanyang ika-56 na taong kaarawan noong April 23.

Tinawag ng kanyang mga taga-suporta ang araw na iyon na “National Lugaw Day” bilang pagtukoy sa mga trolls na binansagan siyang “Lugaw Queen.”

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, nagpapasalamat si Robredo sa kanyang mga taga-suporta dahil ang lugaw feeding program ay walang ipino-promote na sinumang kandidato.


Una na siyang nakiusap sa kanyang supporters na huwag ilagay ang kanyang pangalan sa mga mangkok ng lugar at sa halip ay mag-focus sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Aminado si Robredo na nangangamba siya na baka magkaroon ng violation sa health protocols ang mga gagawing feeding program.

Nasa 105 grupo mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakiisa sa inisyatibong ito.

Nagkaroon ng simultaneous feeding programs sa Iloilo, Quezon City, Guimaras, Maguindanao, Bulacan, Masbate City, Naga, Albay, Calbayog, Parañaque City, Gumaca, Isabela, Batangas, Catbalogan, Rizal, Cavite, Laguna, Baguio, Basilan, Negros, Caloocan, Antipolo, Lucena, Cadiz City, Manila, Antique, Tarlac, Malabon, Cagayan de Oro, Pampanga, Camarines Sur, Bataan, Marawi, Antique, Zambales, Caloocan, Makati City, Laguna at Aklan.

Ang lugar drive ay tugon sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “lugaw is essential.”

Facebook Comments