Iginiit ni Vice President Leni Robredo na maraming non-COVID-19 patients ang kritikal at nangangailangan ng wastong gamutan pero naka-admit sa mga ospital kung saan mataas ang banta ng virus.
Ayon kay Robredo, ang mga cancer patients o kidney disease patients na nangangailangan ng dialysis ay kailangang mabigyan ng karampatang atensyong medikal sa mas ligtas na pasilidad.
Mataas ang tiyansang ma-expose ang mga pasyente lalo na at karamihan sa mga ospital sa Pilipinas ay puno ng COVID-19 cases.
“[Delikado] yung exposure, lalo na kasi silent ang ating kalaban,” ani Robredo.
Nanawagan si Robredo sa pamahalaan na bumuo ng programa para sa mga non-COVID patients at ihiwalay sila mula sa ospital na mayroong COVID.
Facebook Comments