Naka-self quarantine ngayon si Vice President Leni Robredo sa kaniyang bahay sa Quezon City.
Ito ay bahagi ng precautionary measure laban sa COVID-19.
Ayon kay Robredo, naka-isolate sila ng kanyang mga staff hanggang sa ma-test sila para sa COVID-19.
Bahagi aniya ito ng health protocols ng Office of the Vice President (OVP) para sa mga bumiyahe sa labas ng Metro Manila.
Hindi sila maaaring lumabas hanggang hindi nila natatanggap ang negatibong swab results.
Noong nakaraang linggo, binisita ni Robredo ang kanyang home province sa Camarines Sur para tingnan ang community learning hubs at iba pang proyekto ng kanyang opisina.
Nagtungo rin ang Bise Presidente sa mga bayan ng Calauan, Cabuyao at Biñan sa Laguna para magbigay ng cash aid na susuporta sa kabuhayan ng mga residente.
Ininspeksyon din ni Robredo ang mga learning hubs sa Quezon Province.