Nakipagtulungan na si Vice President Leni Robredo sa mga units ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para iligtas ang mga residenteng apektado ng pagbaha ng Bagyong Ulysses sa Cagayan.
Sa serye ng Tweets, tiniyak ni Robredo na ang rescue teams ng Philippines Marines ay papunta na sa mga apektadong lugar.
Pinaplano na rin aniya ang pagsasagawa ng air rescue.
May mga miyembro na rin ng Marines at Philippine Army na naka-standby pero hindi makapasok sa Alcala, Cagayan dahil sa abot-leeg na baha.
Papahupain lamang ang tubig para makatawid ang mga rescuers.
Facebook Comments