VP Robredo, nakiusap sa gobyerno na huwag masamain ang kaniyang mga suhestiyon sa COVID-19 response

Inilatag ni Vice President Leni Robredo ang kanyang mga suhestiyon para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at sa paglulunsad ng bakuna sa healthcare workers.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, nakiusap si Robredo sa pamahalaan na huwag sana masamain ang kanyang mga suhestyon dahil malaki ang kinahaharap na problema ng bansa.

Kinuwestyon ni Robredo ang pag-deploy ng pamahalaan ng mga bakunang natanggap nito sa China at sa COVAX Facility na parehas lamang na donasyon.


Dapat paghusayin pa ng gobyerno ang vaccine rollout dahil posibleng hindi maabot sa katapusan ng taon ang target na 70% ng populasyon para makamit ang herd immunity.

Iginiit din ni Robredo na dapat inayos ng Department of Health (DOH) ang vaccine deployment plan para maresolba ang mga problema sa logistics.

Paigtingin din ng pamahalaan ang pagsasagawa ng testing, tracing at treatment habang ipinatutupad ang lockdown.

Dapat bigyan ng kapasidad ang mga Local Government Unit na mabakunahan ang kanilang mga kababayan.

Binigyang diin din ni Robredo ang pagkakaroon ng stimulus package para tulungan ang low-income families.

Facebook Comments