VP Robredo, nakiusap sa IATF na ilabas ang quarantine policy sa fully vaccinated OFWs

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat i-update ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang quarantine policies nito sa returning overseas Filipino workers (OFWs) para mas maraming oras na makasama nila ang kanilang pamilya.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, binigyang diin ni Robredo na maraming OFWs ang may maikling bakasyon, kaya ang paggugol ng isang linggo sa quarantine ay napapaikli rin ang panahong makasama nila nag kanilang pamilya.

Umaasa si Robredo na mayroong resolusyon na lalo na para sa mga OFWs na fully vaccinated.


Maraming OFWs ang nabakunahan sa ibang bansa pero pagdating sa Pilipinas ay kailangan pa rin nilang mag-quarantine ng pitong araw sa government-accredited hotels.

Matapos namang mag-negatibo sa RT-PCR test, sila ay papayagang mag-quarantine ng tatlong araw sa kanilang local government unit (LGUs).

Umaasa si Robredo na mas maraming bakuna ang dumating sa bansa para mapabilis ang vaccination program at mawakasan na ang pandemya.

Facebook Comments