VP Robredo, nanawagan ng hustisya para sa mga biktima ng Jolo cathedral bombing

Nanawagan ng hustisya si Vice President Leni Robredo para sa mga biktima ng pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ito ang mariing pagkondena ni Robredo pagkatapos ratipikahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ani Robredo, nakalulungkot ang pangyayari at umaasang hindi na ito mangyayari.


Iginiit din ng Bise Presidente na dapat mapanagot sa batas ang mga nasa likod ang insidente.

Tiniyak ni Robredo na gumagawa na ng mga hakbang ang kanyang opisina para matulungan ang mga biktima ng pagsabog maging ang mga naulilang pamilya nito.

Facebook Comments