Umaasa si Vice President Leni Robredo na mapapabilis pa ng pamahalaan ang pamamahagi ng COVID-19 vaccines bilang hakbang laban sa Delta variant.
Sa kanyang video message, sinabi ni Robredo na ang kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) na nakapasok na ang Delta variant sa bansa ay dapat ikabahala.
Mahalagang nakahanda ang bansa para dito para hindi magkaroon ng surge ng kaso katulad sa Indonesia.
Dapat ding makahanap pa ng paraan ang pamahalaan para mahikayat ang mga tao na magpabakuna.
Samantala, nanawagan si Robredo sa publiko na gawin ang kanilang parte para mapigilan ang pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health protocols.
Pinayuhan din ng bise presidente ang mga nakapagbakuna na na huwag magpakampante.
Facebook Comments