VP Robredo, nanawagan ng pagtutulungan sa halip na magsisihan kasabay ng pagputok ng Bulkang Taal

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat magtulungan na lang ang lahat na maghanap ng solusyon ng problemang kinaharap ng mga evacuees o mga biktima ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ito ang pahayag ni Robredo kasunod ng pagbatikos ni Talisay, Batangas Vice Mayor Charlie Natanauan sa Phivolcs.

Ayon kay Robredo – hindi dapat isisi sa Phivolcs o sa sinuman ang biglaang pagputok ng Bulkang Taal.


Binigyang diin ni Robredo na dapat pagtuunan ng pansin ang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

Wala ring problema kay Robredo ang pagbisita ng mga mambabatas sa mga evacuee dahil nagpapakita ito ng suporta sa mga apektadong komunidad.

Pero tingin ng Bise Presidente ay hindi akma sa sitwasyon ang pagsasagawa ng sesyon ng Kamara sa Batangas.

Facebook Comments