Iginiit ni Vice President Leni Robredo na magsilbing ‘wake-up call’ sa bansa ang pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.
Dito ay nanawagan ang Bise Presidente ng patas na imbestigasyon at mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa alkalde.
Binigyang diin pa ni Robredo na hindi dapat itinuturing na normal ang pagpatay sa mga alkalde, organizer, abogado, hukom, mamamahayag, mga bata at maging ang mga biktima ng drug trade.
Hindi na aniya tama na nagiging kultura na ang pagpatay at karahasan.
Tiniyak ni Robredo na patuloy siyang maninindigan laban sa anumang human rights violations at pag-abuso sa ilalim ng administrasyon.
Una nang kinondena ni Robredo ang pagpatay sa siyam na aktibisda sa Calabarzon.
Facebook Comments