Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang Department of Education (DepEd) na tugunan ang pangangailangan ng mga guro lalo na at inurong sa October 5 ang pagbubukas ng klase.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, umaasa si Robredo na gagamitin ng DepEd ang mahagang oras upang maabot ng ahensya ang mga maliliit, malalayo at mahihirap na paaralan sa bansa.
Batid ni Robredo na maraming eskwelahan pa ang hindi pa handa sakaling natuloy ang school opening sa August 24.
Kabilang sa mga concern ng mga guro ay ang problema sa printing at distribution ng learning modules at ang kahandaan sa distance learning.
Iginiit ni Robredo na dapat mayroong epektibong komunikasyon sa mga guro para maresolba ang mga isyu kabilang ang proteksyon ng mga guro mula sa COVID-19.
Nabatid na nagpadala ng sulat ang Bise Presidente kay Education Secretary Leonor Briones na nilalaman ang kaniyang mga suhestyon para tugunan ang ilang concern ng mga guro kabilang ang pag-realign sa P29 milyon budget para sa rehabilitasyon ng school building, pagbili ng gadgets at iba pang equipment para sa distance learning, maging hazard pay at pagsasagawa ng COVID-19 testing at physical check-up para sa mga guro.