VP Robredo, nanawagan sa pamahalaan na gawing “hands-on” ang approach sa COVID-19 response

Ang pagkukulang ng pamahalaan sa pagresponde sa pandemya at kawalan ng access sa healthcare services ang dahilan kung bakit marami ang namamatay sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Vice President Leni Robredo sa harap ng kanyang panawagan sa gobyerno na magkaroon ng “hands-on” approach sa pagtugon sa pandemya.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, himimok ni Robredo ang administrasyon na makinig sa mga suhestyon.


“Sa akin naman, kung hindi buhay ng tao ‘yung nakasalang ‘di bale nang hindi makinig pero buhay kasi ng tao eh. Ang daming namamatay ngayon dahil sa kakulangan saka iyong accessibility meron problema talaga. Sana kalimutan muna sino iyong nagsabi basta magtulong-tulungan,” sabi ni Robredo.

Iginiit ni Robredo na marami na siyang iminungkahi para sa ikabubuti ng COVID-19 response pero walang pagtanggap sa parte ng gobyerno.

Kabilang sa kanyang suhestyon ay ang pagbibigay ng libreng tests, pero hindi ito tinanggap ni Presidential Spokesperson Harry Roque dahil ginagawa na ito ng pamahalaan.

“Pero iyong request natatanggap namin iyon ‘yung proof na hindi, na totoong mayroong libre sa LGU pero wala naman doon access lahat kasi mayroong protocols na sinusunod. So, sa akin lang, kung meron lang pagtanggap ng pagkukulang ang dami pwedeng gawin,” ani Robredo.

Facebook Comments