VP Robredo, nanawagan sa pamahalaan na magpakita ng tapang laban sa China

“Sana all”

Ito na lamang ang sinabi ni Vice President Leni Robredo tungkol sa patuloy na paglaban ng China sa karapatan nila sa South China Sea.

Matatandaang sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian na ang 2016 arbitral award na napanalunan ng Pilipinas ay isa lamang “waste paper.”


Sa kanyang video message, hindi na nasurpresa si Robredo sa naging pahayag ng China dahil inaasahan lamang na ipaglalaban nila ang kanilang interes, kahit sa puntong kailangan na nilang baliin ang logic.

Pero panawagan ni Robredo na dapat magpakita rin ang pamahalaan ng tapang hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippines Sea.

Kapag patuloy aniyang yuyuko ang pamahalaan, mas lalong matatalo ang Pilipinas sa mga inaangkin nitong teritroyo.

“‘Pag interest na ng sariling bansa natin, dapat pumalag na tayo,” sabi ni Robredo.

Una nang sinabi ni Robredo na ang kabiguang ipaglaban ang arbitral award ay nagpapakita ng kaduwagan at kapabayaan.

Facebook Comments