VP Robredo, nanawagang magkaisa laban sa COVID-19 pandemic

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga Pilipino na magkaisa na labanan ang COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang public address, sinabi ni Robredo na dapat makilahok ang lahat sa pagtugon sa problema sa kabila ng pagkakaiba lalo na sa pulitika.

Hindi aniya ito ang panahon para magsabong ang administrasyon o oposisyon.


Tiwala si Robredo sa kakayahan ng bawat Pilipino lalo sa pagtulong, bukas sa pakikinig at kapasidad na umangat at magbayanihan.

Muling nilinaw ng Bise Presidente na wala siyang intensyong maliitin ang gobyerno sa kaniyang mga kritisismo at suhestyon sa COVID-19 response.

Sa pagnanais ng pamahalaan na resolbahin ang pandemya, tingin ni Robredo na hindi pa rin ito sapat.

Nais aniya ng kaniyang tanggapan na tulungan ang administrasyon na tugunan ang health crisis.

Naniniwala si Robredo na kayang talunin ng Pilipinas ang COVID-19 tulad ng ibang bansa sa Asia Pacific Region kung ang government response ay nakabatay sa mga datos at siyensya at mayroong maayos na plano.

Facebook Comments