Hindi natitinag si Vice President Leni Robredo sa mga bagong tirada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang press conference kagabi, sinabi ni Robredo na hindi si Pangulong Duterte ang magdedesisyon kung maaari ba siyang tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Ang taumbayan aniya ang magpapasya kung kwalipikado siyang mag-presidente.
Iginiit ni Robredo na dapat marunong si Pangulong Duterte na makinig sa mga suhestyon at sa mga ibang polisiya.
Sa panahon ng krisis, ang isang lider aniya ay dapat marunong kumonsulta at marunong aminin ang mga pagkukulang.
Matatandaang sinabi ng Pangulo na hindi kwalipikado si Robredo na tumakbo sa pagkapangulo dahil wala itong alam sa foreign policy.
Facebook Comments