VP Robredo, nanindigang wala dapat pinapanigan ang gobyerno lalo na sa pagpapanagot ng mga nagpapalaganap ng fake news

Nanindigan si Vice President Leni Robredo na walang dapat kinikilingan ang pamahalaan sa pagpapanagot ng mga gumagawa ng fake news.

Ito ay kasunod ng pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa dahil sa kasong cyber libel, na para kay Robredo ay may halong pulitika.

Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, iginiit ni Robredo – na siya mismo ay biktima rin ng fake news.


Aniya, kung isinusulong ng gobyerno ang kampanya nito kontra fake news ay dapat wala itong pinapanigan.

Nabatid na nag-ugat ang kasong cyber liber laban kay Ressa dahil sa 2012 article nito kung saan idinawit ang negosyanteng si Wilfredo Keng sa drug smuggling.

Facebook Comments