VP Robredo, nilinaw na wala pa siyang desisyon ukol sa 2022 elections

Muling nilinaw ni Vice President Leni Robredo na wala pa siyang pasya kung tatakbo siya sa pagkapangulo o bilang gobernadora ng Camarines Sur sa 2022.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na personal siyang nakipagkita kay dating Camarines Sur 1st District Representative Rolando Andaya Jr. noong Pebrero dahil iniimbitahan siyang tumakbo sa pagkagobernador.

Aniya, bukas siya na tumakbo sa anumang local post sa kanyang home province.


“In fact, ilang beses kong sinabi na kung walang ibang considerations ang preference ko local pero wala pa akong desisyon. And sinabi ko rin sa kanila na hindi pa ako makakapagdecide soon dahil may mga responsibilities ako sa national na hindi pwede kong talikuran nang basta-basta,” sabi ni Robredo.

Makakapagdesisyon lamang siya na tumakbo sa gubernatorial post kapag may pasya na siya ukol sa presidential bid.

Dagdag pa ni Robredo, kung ang desisyon sa pagtakbo ay batay lamang sa kanyang “personal convenience” ay noon pa sana siyang nakapagdesisyon.

Nais ding tiyakin ni Robredo na ang oposisyon ay mayroon lamang isang kandidato.

Facebook Comments