VP Robredo – pagpapaliwanagin ng Kamara hinggil sa mga plano nito sa war on drugs

1119

Manila, Philippines – Ipatatawag ni Cavite Representative Elpidio Barzaga Jr. sa Kamara si Vice President Leni Robredo.

Ito ay para pagpaliwanagin ang bise presidente hinggil sa mga plano nito sa war on drugs.


Sa isang panayam, sinabi ni Barzaga na ‘sincere’ ang Kongreso sa pagtulong kay Robredo at nais lang nilang malaman kung ano ang mga plano nito.

Sang-ayon din naman si House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers sa plano ng Kamara na ipatawag ang bise presidente.

Pero aniya – makabubuting hintayin na muna kung ano ang magiging plano ni Robredo sa war on drugs.

Facebook Comments

From Advertisers