Pangungunahan ni Vice President Leni Robredo ang flag-raising at wreath-laying ceremony sa Rizal Park, Manila bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-121 anibersaryo ng Independence Day.
Ito ang ikatlong pagkakataong magiging bahagi ang Bise Presidente sa Independence Day rites sa Luneta na hindi kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Gaganapin ang seremonya mamayang alas-8:00 umaga kasama si outgoing Manila Mayor Joseph Estrada.
Bago ito, nanawagan si Robredo sa sambayanan na bigyang pag-alala ang mga aral ng kasaysayan at isabuhay ang sakripisyo ng ating mga ninuno na lumaban para sa ating kasarinlan.
Dagdag pa ni Robredo, obligasyon ng mga Pilipino na ipagtanggol ang kalayaan ng Pilipinas para sa susunod na henerasyon.
Facebook Comments