Nangako si Vice President Leni Robredo kay Senator Leila De Lima na patuloy niya at ng iba pang senador na ipaglalaban ang katotohanan para sa kanyang dignidad, dangal at kawalan ng kasalanan.
Sa video message na in-upload sa official Facebook page ni De Lima noong February 24, pinayuhan ni Robredo ang senador na magpakatatag.
Aniya, hindi makatarungan ang pagpapakulong kay De Lima at dapat lamang siyang palayain.
Pagtitiyak ni Robredo na makakasama ni De Lima sila hanggang sa magtagumpay siya laban sa mga alegasyong ibinabato sa kaniya partikular ang pagkakadawin sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.
Hinimok ng Bise Presidente si De Lima na huwag mawalan ng pag-asa dahil marami ang humuhugot ng inspirasyon sa sa kaniya na patuloy na lumalaban sa mga kasinungalingan at tumindig para sa katotohanan.
Para kay Robredo, hindi lamang ito laban ni De Lima kundi laban din ito ng mga Pilipinong naniniwala sa rule of law.