VP Robredo, patuloy na tumatanggap ng papuri mula sa celebrities at netizens sa huling presidential debate

Hindi matapos-tapos ang tinatanggap na papuri ni Vice President Leni Robredo mula sa mga celebrity at netizens sa kanyang magandang ipinakita sa CNN presidential debate.

Sa Twitter, nagkaisa ang mga celebrity at netizens na si Robredo ang pinakahanda sa lahat ng mga kandidato na dumalo sa debate.

Humanga sila sa malinaw at eksaktong sagot ni Robredo sa iba’t ibang isyu, na nagpapakita ng kanyang kahandaan bilang susunod na lider ng bansa.


Sa nasabing debate, binanggit ni Robredo ang kanyang mga programa sa panahon ng pandemya.

Sinuportahan din ng mga artistang sina Agot Isidro at Nikki Valdez ang pahayag niya sa pagpapakita ng mga resibo ng mga programa ng bise presidente ngayong pandemya.

Tiniyak naman ni VP Leni na siya’y magiging hands-on na pangulo, lalo na tuwing may krisis, dahil ito’y pagpapakita ng liderato.

Facebook Comments