VP Robredo, patuloy na umaani ng suporta mula sa publiko, ayon sa kaniyang tagapagsalita

Ginamit ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang resulta ng Pulse Asia Survey para tablahin ang pahayag ng Malacañang na namumulitika lamang ang Pangalawang Pangulo sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula September 14-20, nakakuha si Robredo ng approval rating na 57% habang 50% na trust rating.

Si Robredo ang ikalawa sa may pinakamababang nakapagtala ng approval at trust ratings sa mga matataas na opisyal ng bansa.


Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, lumab1as sa survey na hindi namumulitika ang Bise Presidente lalo na at umaani pa rin siya ng suporta mula sa publiko.

“Malinaw kasi na kahit katiting ang budget ng opisina, patuloy ang panlalait at paninira, at panay ang pagpakalat ng fake news sa Facebook laban sa kanya — nagtratrabaho pa rin siya para sa kapakanan ng marami,” dagdag ni Gutierrez.

Sa kabila ng mababang ratings, nagpapasalamat pa rin si Robredo sa publiko sa patuloy na ibinibigay na suporta.

Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mataas na nakuhang approval at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpapakitang hindi sang-ayon ang mga Pilipino sa pamumulitika ni Robredo.

Facebook Comments