VP Robredo, pinaalalahanan ang publiko sa kahalagahan ng CHR

Manila, Philippines – Muling pinaalalahanan ni Vice President Leni Robredo ang publiko kaugnay sa kahalagahan ng Commission on Human Rights o CHR sa bansa.

Ang pahayag na ito ng Bise Presidente, ay kasunod na rin ng pagbabalik ng Kamara sa orihinal na budget ng ahensiya.

Ayon kay Robredo, nakapaloob sa konstitusyon ang karapatang pantao at trabaho ng CHR ang pangalagaan ito.


Samantala, iniisa-isa naman ni Atty. Marlon Manuel, Executive Director ng Alternative Law Group, ang mga impormasyon kaugnay sa karapatang pantao na dapat malaman ng publiko.

Facebook Comments