VP Robredo, pinabibilisan sa pamahalaan ang pagbubukas ng ekonomiya

Pinamamadali na ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan ang rollout ng COVID-19 vaccination program para mapabilis ang pagbubukas ng ekonomiya.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng umabot pa ng 2023 bago magbalik sa normal ang pamumuhay ng lahat.

Ayon kay Robredo, kapag nagtagal ang gobyerno sa pagsasagawa nito ay mas lalo pang maghihirap ang mga Pilipino.


Iginiit ni Robredo na ang susi sa economic recovery ay ang pagkamit ng herd immunity.

Ang Pilipinas ang huling bansa sa Southeast Asia na nagsimula ng immunization program laban sa COVID-19.

Facebook Comments