VP Robredo, pinag-iingat ang lahat sa COVID-19 kasabay ng pagpapatupad ng GCQ

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na mahalaga pa ring maging mapagbantay ang publiko dahil hindi pa rin tapos ang laban sa COVID-19.

Ito ang pahayag ng Bise Presidente kasabay ng pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ).

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na walang sinuman ang ligtas sa virus dahil wala pa ring bakuna.


Hindi pa rin aniya dapat magpakampante ang publiko lalo na at luluwagan ang quarantine restrictions.

Mahalagang sundin pa rin ang ilang health precautions tulad ng social distancing at pagsusuot ng mask.

Kasabay nito, muling nanawagan si Robredo sa pamahalaan na pabilisin at palawakin ang mass testing.

Facebook Comments