VP Robredo, pinagtawanan ang litrato ng umano’y kanyang  “pagpapabakuna”

822

Itinuturing ni Vice President Leni Robredo na “ridiculously funny” ang isang litrato na tila nagpaturok na siya ng COVID-19 vaccine sa kanyang manggas o sleeve.

Sa litratong kumalat sa social media, makikita ang isang babae na nakababa ang kanyang manggas habang binabakunahan.


Iginiit ni Robredo na hindi siya ang nasa picture.

Bagama’t ayaw na niyang patulan pero marami ang nagpapadala sa kanya ng nasabing litrato.

Ang babae aniya sa picture ay si Dr. Flordeliza Grana, isang pediatric surgeon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center na nakasuot ng “bakuna blouse.”

Si Robredo ay nagiging tampulan ng fake news na inilalathala ng mga umano’y tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.



Facebook Comments