VP Robredo, pinalilinaw kay PRRD ang kanyang mandato sa ICAD

Manila, Philippines – Ipinahayag ni Vice President Leni Robredo na dapat linawin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang kanyang mandato bilang co -chair ng Inter Agency Committee on Anti-Drugs o ICAD.

Ito ang laman ng liham na ipinadala ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Duterte kahapon.

Sa panayam ng media sa pagdalaw nito kay Dangerous Drugs Board Chairman Catalino Cuy, layon ng kanyang pagliham kay Duterte na para malaman kung ano ang mga inaasahan sa kanya ng pangulo na magampanan sa ICAD.


Bilang tugon naman sa pahayag ng Pangulo na wala itong tiwala sa kanya, sinabi ni VP Robredo na hindi niya maintindihan ang binitawang pahayag ng Pangulo.

Dahil bakit bakit pa siya itinalagang co-chair ng ICAD kung wala naman pala itong tiwala sa kanya.

Sa kabila naman ng banat sa kanya ng pangulo, wala umano siyang balak na magbitiw sa kanyang pwesto bilang co -chairman ng ICAD dahil suportado naman siya ng lahat ng ahensiya.

Facebook Comments