VP Robredo, pinayuhan ang government offices at private companies na itulong sa mga mahihirap ang gagamiting pondo sa Christmas Party

Sa halip na magsagawa ng Christmas Parties sa harap ng pandemya, pinayuhan ni Vice President Leni Robredo ang mga tanggapan ng gobyerno at pribadong kumpanya na ipunin na lamang ang pera.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na ang Christmas money na gagastusin sa mga regalo ay maaaring ipangtulong na lamang lalo na sa mga apektado ng krisis, partikular sa mga mahihirap.

“Wala muna kasi sayang lang sa gastos. Saka wala muna iyong— Huwag na muna sigurong magregaluhan,” ani Robredo.


“Parang instead na magregaluhan, papunta na lang doon sa… ang regaluhan na lang iyong mga kailangan talagang regaluhan na mga mahihirap,” dagdag ng Bise Presidente.

Sinabi ni Robredo na kinansela nila at iniurong na lamang sa susunod na taon ang mga aktibidad para may magamit na perang maaaring gamitin para tulungan ang mga nangangailangan.

Ang Department of Budget and Management (DBM) ay inatasan na ang mga ahensya na maghigpit ng sinturon at pinaiiwas sa mga non-essential spending para masigurong may pondo ang gobyerno sa COVID-19 response.

Ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nagkansela rin ng kanilang Christmas Parties at sa halip ay ginamit nila ang pondo para tulungan ang mga apektado ng pandemya.

Facebook Comments