VP Robredo, pinayuhan si PRRD na huwag i-veto ang kabuoan ng 2019 budget

Hinimok ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto na lang ang ilang bahagi ng panukalang 2019 national budget sa halip na hindi ito aprubahan ng tuluyan.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, naniniwala si Robredo na sinasadya na ang pag-antala sa pag-apruba ng pambansang pondo.

Tinutukoy din ni Robredo ang ₱75 billion na halaga ng programa at proyekto sa ilalim ng infrastructure program ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Dagdag pa ni Robredo, maraming programa at proyekto ang hindi nauumpisahan o natutuloy dahil sa nakabinbing budget.

Matatandaang nagbanta si Pangulong Duterte na hindi pipirmahan ang ₱3.757 trillion budget kapag nakitaan ng illegal insertions at realignments.

Facebook Comments