VP Robredo, pinuna ang pagturok kay Pangulong Duterte ng hindi awtorisadong COVID-19 vaccine

Kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo ang pagpapaturok ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Sinopharm vaccine kahit wala pa itong emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na ang legal ang kanyang paggamit ng Sinopharm COVID-19 vaccines dahil mayroon pa rin itong compassionate special permit mula sa FDA.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na dapat maging maingat ang mga public officials sa mga mensaheng ipinapaabot nila sa publiko.


Lumalabas lamang aniya na tila hinihikayat o ipino-promote lamang nito ang publiko na gumamit ng hindi awtorisadong bakuna.

Dagdag pa ni Robredo na ang paggamit ng bakuna na walang FDA approval ay “mockery” sa mga kasalukuyang regulatory agencies.

Ang pagsuporta sa mga bakunang walang EUA ay pagbabalewala sa layunin ng FDA na sumasala sa mga produktong inilalabas sa merkado.

Una nang sinabi ni Robredo na handa siyang magpabakuna basta ang bakunang gagamitin ay mayroong EUA.

Facebook Comments