VP Robredo, pinuri si Galvez sa pagpupursiging mapasama ang Pilipinas sa unang makatatanggap ng vaccine supply mula sa COVAX

Pinuri ni Vice President Leni Robredo si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez sa pagpupursiging mapabilang ang Pilipinas sa mga bansang unang makatatanggap ng supply ng COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng COVAX facility.

Tinatayang aabot sa 1,040,000 doses ng COVID vaccines ang darating sa bansa kung saan 400,000 doses ay mula sa Pfizer at 640,000 ay sa ilalim ng COVAX arrangement.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinang-ayunan ni Robredo ang prioritization framework at criteria na binuo ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na ang mga mayroong high risk sa virus exposure tulad ng mga senior citizens at health workers ang dapat maunang maprotektahan sa sakit.


“Ako tingin ko, to the credit of Secretary Galvez na isa tayo sa mga unang makatatanggap na galing dito sa COVAX facility,” ani Robredo.

Umaasa si Robredo na makapaglalabas na ang pamahalaan ng listahan ng mga ipaprayoridad sa bakuna lalo na at mayroong expiration ang mga bakuna.

Iginiit din ng Bise Preisdente ang pagtulong sa mga Local Government Units (LGUs) na magsagawa ng vaccine rollout at aktuwal na pagpapatupad ng immunization program, alinsunod sa patakaran ng national government.

Facebook Comments